
Jenela Francisco
ABOGADO NG PAMILYA, EDMONTON
1-855-892-0646 (Edmonton Toll-Free)
Tungkol kay Jenela Francisco
Ginagampanan ni Jenela ang kanyang tungkulin bilang isang Abogado at tagapagtanggol ng batas na may kasamang dedikasyon at karunungan at kaakibat ang malawak na kaisipan sa pag unawa ng mga damdamin ng Kanyang mga kliyente para sa kanilang ikabubuti. Hangarin niyang bigyan ng Katarungan sa pamamagitan ng kanyang serbisyong legal ang anumang problemang idudulog nila na may kinalaman sa paghihiwalay o diborsyo.
Simula noong ginampanan nya ang kanyang tunkulin bilang Abogado noong 2021, tinuon nya ang kanyang kakayahan para sa Family Law, kung saan siya ay tumutulong sa kanyang mga kliyente na tignan mabuti ang dapat gawin para sa maayos na kalagayan ng mga anak, at kung ano ang nararapat gawin sa paghati ng mga ari-arian at diborsyo.
Siya ay pinanganak sa Edmonton. Nagsimula sya bilang isang Paralegal bago nakamit ang kanyang diploma sa Abogasya sa England. Bumalik sya sa Edmonton noong 2019 pagkatapos nyang makumpleto ang Law Degree nya sa ibang bansa, kasama ang kanyang karunungan at pagkatapos ng Legal education, para handa siyang humarap at nagsimula sa kanyang Legal career. Ang kanyang kakaibang katauhan ay nagbibigay sa kanya ng mahusay na kakayahan at legal na katalinuhan para maharap ang mga pagsubok kaakibat ng kanyang mahusay na pagtingin at pagsuri sa pananaw na may halong mahusay at practical na kaalaman at karanasan.
Si Jenela ay isang dedikadong Litigator na malakas ang loob at may matibay na paniniwala sa pagtulong niya sa kanyang kliyente sa Hukuman. Taos puso siyang tumutulong sa mga pamilya para maayos ang hidwaan o away sa labas ng litigation, kung may pagkakataon. Maski man sa negotiation or arbitrasyon, ang hangarin niya ay makahanap ng makatarungan at mahusay na outcome para sa problema ng kliyente na tinutulungan niya.
Sa labas naman ng trabaho niya bilang Abogado, si Jenela ay may matibay na ugnayan at partisipasyon sa Filipino Community, at masaya siyang maki sama na may kasamang quality time sa kanyang asawa at pamilya.
Maligaya siyang namamasyal sa magandang tanawin ng River Valley sa Edmonton. Kasali siya sa hot yoga para sa kanyang kalusugan. Gusto niyang malaman at makita ang tinatago ng Edmonton na magagandang kasaysayan at tanawin. Mahilig din siyang Pumunta sa mga nakaka-aliw at kilalang kainan.
Karagdagang pagsasanay/Designasyon
- NCAs 2019
- LESA intensive advocacy course certification 2025
- ECLC Volunteer
Mga Propesyonal na Membership
- LSA
- CBA
- EBA
Iba pang mga Wikang Sinasalita
- Matatas sa Wikang Ingles
